Ang kagawaran ng Filipino ay nagtuturo ng mga sumusunod na mga kurso:
Sining ng Pakikipagtalastasan
Deskripsiyon ng Kurso
Tatalakayin ang Filipino bilang isang interaktibo at integratibong kalinangan sa pakikipagtalastasan sa pamaraang pasulat at di-pasulat.
Lilinangin sa kurso ang mga Batayang Kaalaman at Konsepto ng Wika at Komunikasyon mula sa iba’t ibang disiplina gamit ang mga makrong kasanayan sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat.
Bilang ng Oras: 54 oras, 18 linggo
Credit Units ng Kurso: 3 units
Pangkalahatang Layunin
Deskripsiyon ng Kurso
Lilinangin sa kursong ito ang mga kasanayan at kakayahan sa mga araling pampanitikan kaugnay ng kulturang Pilipino at makabagong kabihasnan sa tulong ng patnubay ng Vincentian Mission at halagang pangkatauhang isinasanib sa talakayan upang mabisang maisabuhay ang mga kaalamang natutuhan. Ito rin ay pag-aaral sa iba’t ibang anyo ng literatura sa pamamagitan ng pagbasa sa ilang tekstong pampanitikan na hango sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas at iba’t ibang panahon ng kasaysayan ng bayan.
Bilang ng Oras: 54 oras, 18 linggo
Credit Units ng Kurso: 3 units
Pangkalahatang Layunin
Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina
Deskripsiyon ng Kurso
Nakapokus ang kursong ito sa pag-aaral at paglinang ng mga batayang kaalaman at kasanayan sa pagbasa at pagsulat bilang kasangkapan sa pag-aangkop sa mga akademikong kailangan at pagkatuto sa iba’t ibang disiplina sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga tekstong nasusulat sa Filipino. Malilinang ang mga kasanayan sa pag-unawa, pagsusuri sa iba’t ibang disiplina.
Bilang ng Oras: 54 oras, 18 linggo
Credit Units ng Kurso: 3 units
Retorika
Deskripsiyon ng Kurso
Malilinang sa pag-aaral ng Retorika ang mga proseso at prinsipyo ng masining na pagpapahayag sa Filipino. Bibigyan ng tuon ang malayang pagtuklas at pagpapakita ng sariling kakayahan at talino sa pagsulat at pagsalitang pagpapahayag ng kaalaman, karanasan, at saloobin. Matututunan ang wastong paggamit ng wikang Filipino sa lahat ng pagkakataong kakailanganin nito. Gayundin, nakapokus ito sa paglinang sa mga kasanayan sa komunikasyon tulad ng pagsasalaysay, paglalarawan, paglalahad, at pangngatuwiran.
Bilang ng Oras: 54 oras, 18 linggo
Credit Units ng Kurso: 3 units
Pangkalahatang Layunin